April 3rd, 2007
stupid cheesy crap
hay, sugarfree ang galing nyo gumawa ng kanta! simple lang, medyo cheesy pa nga ang lyrics kung minsan pero ang ganda. kagaya nitong part na to from the song ikaw pala:
Nung hindi na nakatingin at saka ka dumating
Nariyan ka lamang pala
Di ka lang nagsasalita
Ikaw pala, aking hinahanap
Ang bahaghari ko sa likod ng ulap
Ikaw ang hulog ng langit, sa puso kong napunit
Dahil sa dramang paulit-ulit
Kanina ka pa ba nariyan?
i swear napa-smile ako nung first time ko narinig yang part na yan. ayan hindi ko na alam kung alin ung mas gusto kong kanta sa tala-arawan, kung ito o yung ang pinakamagaling na tao sa balat ng lupa.
hindi naman ako nakakarelate sa song na to, actually mas makakarelate nga dapat ako sa pinakamagaling na tao (i am friggin surrounded by these kind of people), pero ewan ko ba. siguro kasi merong nagkuwento sa kin tungkol sa kanyang lovelife at wala lang, masaya ako para sa kanya. patawad, kanina ko lang kasi narinig tong kantang to, meron pala ako nito sa itunes ko hehe.
ewan ko ba pero ilang linggo na kong hindi nababad trip. basta ang hirap magalit. kahit nung isang gabi na nagrerevise ako ng thesis, eh umiinit kasi ulo ko talaga pag ito ang ginagawa ko, pero grabe hindi ako na bad trip! tsaka kahit maaga ako minsan gumigising para sa school, cheerful pa rin ako! ano ba! ako ba ito? siguro kasi twice a week ako nakikipag inuman for the past 3 weeks. yikes, kawawa naman ang liver ko.
nag enrol na ko last monday. waaah panibagong rotation na naman. ayoko talaga ng 10pm-6am na shift. nahihirapan ang kalooban ko sa kanya. oo nga pwede ako bumawi ng tulog during the day pagkauwi ko pero gusto ko kasi ung natutulog pag madilim pa sa labas. hindi talaga ako mahilig mag-nap dati pa. sana sa OR na lang ulit kami para tulog lang ang gagawin. hehe.
ubos oras talaga ang pag iinternet. late na pala.