October 9th, 2006
parang kang promo sa mcdo, nawawala tapos ng 'sang linggo
wala lang maisip na title. hehe
hay naku. wala lang. tinatamad akong mag aral. there's nothing new with that i know. pero kasi pupunta ako ng US sa sunday. ang original sked ng finals ay dapat this week. eh ang daming bagyo ngayong sem na to, so madaming days na walang pasok. ung mga bwakanangshet na nag aayos ng school calendar, minove ung finals to 17-19. so paano un? nakiusap ako baka pwede mag finals ako ng mas maaga. pinayagan muna ako. un nga lang habang masarap ang buhay ng mga kaklase ko, ako andito nagdudusa mag isa. mas masaya pala pag may karamay. ang tigas kasi ng ulo ko, ayokong i-move ung flight ko. sayang kasi pamasahe hehe.
anyway, grabe talaga ang daming hirap bago sarap. kelangan ko magpasecond shot ng anti-rabies (kasi minsan nagiging ulol ako! haha joke! kelangan for school baka daw mahawa kami sa mga rabies patients) sa 16. eh wala na ko. so nagtapon ako ng 400 pesos kahapon. hindi kasi pipirmahan naman ung clearance ko pag ndi daw ako nagpashot. pag hindi ko na follow up ung 1st shot sa 16, back to zero daw, uulitin ung first shot. shet. buti na lang hindi masyado masakit. sa bulsa lang hehe.
i love our pedia prof talaga promise! exempted na ko sa finals ng subject niya! so imbes na 3 ang kukunin kong exams sa thursday nang isang upuan lang, 2 na lang! wheee!!!
dapat ay finals ko sa patho-physiology ng 1 pm ngayon, sa clinic ng prof ko sa may cupang. tumawag siya ng 11 am kanina, sabi mga 6:30 na lang daw ako mag finals, sa may hospital sa loob ng school kasi madami daw siyang pasyente. hindi ko alam kanina kung matutuwa ako o maiinis ako. matutuwa kasi hindi pa ko masyado prepared (again, wala nang bago dun haha). maiinis kasi gumising ako ng maaga kaninang umaga kasi gusto kong mag aral. haha.
kaya tuloy may mixed feelings ako towards this vacation. minsan excited ako. sa mga panahon na dapat ay nag aaral ako, iniisip ko ang mga dadalhin kong damit, libro, sapatos, at makeup. pero kahapon naiinis ako kasi ang daming info na kailangan ko isaksak sa utak ko sa mabilis na panahon. ang dami kelangan gawin bago ako umalis. baka din magulo ang schedule ng duty ko next sem dahil sa buwakanang shet na rabies shot na yan. may area kasi na halos lahat ng pasyente ay ung nakagat ng mga hayop may rabies at may mga instances daw na nauulol ung mga yun, tapos pag nakalmot daw kami, lagot, may rabies na rin kami. eh hindi kami ipapagduty dun pag hindi complete ung rabies shot. sana lang late pa ung rotation ko sa area na un, kasi pag balik ko pa ako makakapag pa shot at 1 month pa bago maging effective ung shot. hay naku.
kelangan ko na maligo at magpunta ng school. 6:30 pa exam ko pero kasi kailangan ko pa tapusin ang clearance ko. at feeling ko mas makakapag aral ako sa school kesa dito sa bahay kasi solo ko ang library dun kasi ako lang ang nagffinal exam sa buong school! haha
kasi pag uwi ko ibig sabihin, may pasok na naman. mainit na naman. magduduty na naman.