September 2nd, 2006
nalaglag na puso
nakidnap ako kahapon. actually, pinag uusapan na namin ng friend ko na un last week. yung penshoppe denim fashion show ek-ek. in fairness, ang ganda kasi ng istura ni heart and echo sa poster. pero ang tumawag ng pansin ko ay yung mga bands na tutugtog. eh eto palang kaibigan ko, may brother na isa sa mga models na rarampa for penshoppe. ayun nakakuha kami ng tickets. sobrang last minute lang akong hinila. buti na lang kahapon hindi ako nag uniform. un nga lang nakarating ako ng araneta na may maliit na sulat ng red ballpen ung puti kong t-shirt sa may bandang dibdib. nung umaga kasi ng araw na un may exam kami, eh may dagdag bawas. nakakataranta kaya nasulatan ko sarili ko. haha. at ang laki-laki ng bag ko kasi dala ko ung mga notes at libro ko.
so ayun, na-meet ko pa si olyn, from pbb. ang friendly niya sobra! kasi ung asawa ng kapatid ng friend ko na nag invite sa kin sa penshoppe thing (nakakasunod pa? hehe), kasama si olyn sa wow girls, parang group na ala sex bomb dancers, pero nagsstart pa lang ata sila kaya ndi pa sila kilala. so anyway, ndi masyado maganda ung seats namin, sa upper box b pero ok lang libre naman ung tickets eh so hindi ako nagrereklamo. medyo dead area nga lang na upuan namin kasi nagwawala na ung mga tao sa may patron, kami sa upper box nakatingin lang. haha. ung show kasi fashion show dapat, pero may bands din. ang dami! 20 ung tumugtog! syempre as usual magkasunod tumugtog ang parokya tsaka kamikazee. tapos ung banda na ipinunta ko dun, kung bakit sumama ako, ang up dharma down, tama ba namang isa song lang ang tinugtog? buti na lang oo ung kinanta nila. hehe. pero grabe ung mga tao ha, ang lakas ng cheer ng natanggap ng hale at spongecola kesa sa up dharma down. hmp! nung sila ata ung tumutugtog ako lang ang masaya sa area namin. hehe. ang cute cute nung drummer ng mojofly! kasi lahat ng attention ko nakafocus kay lougee (tama ba spelling?) kasi ganda ng suot niya tsaka ang haba ng hair niya, tapos nung may close up shot bigla dun sa drummer, natulala ako, basta kasi ang cute niya. sabi nga nung friend ko, model din un, nakakasabay ng brother niya sa mga vtr.
at ang highlight ng gabi: nalaglag sa hagdan si heart. tsaka si aia, ung vocalist ng imago. actually nalaglag pa nga daw si aia kay heart. tsaka nalaglag din ata ung vocalist ng 6 cycle mind, bigla na lang siya nag disappear ng mga ilang seconds. may butas kasi sa gitna ng stage, hydraulics ata tawag dun, basta minsan dun nanggagaling ung mga models papunta sa labas. hindi ko nakita ung pagkalaglag ni aia, ung kay heart lang. finale na kasi, kumakanta na si bamboo ng hallelujah tapos syempre hulinh-huli lalabas si heart and echo, pababa na sila dun sa parang hagdanan tapos last step na ata nung hagdan, biglang sumubsob si heart. takbo si papa echo sa tabi niya para itayo siya, pero subsob siya ulit. shet kawawa naman, siya pa naman ung main event. kasi naman napakataas nung heels niya, spiky pa kaya nung naglalakad siya sa catwalk medyo pagewang-gewang siya. tsaka sabi nung brother ng friend ko, basa na daw ung nilalakaran nilang lahat dahil sa fog machine. kawawa naman si heart.
ang dami ko nakitang magagandang tao! nakakainis! hehe. pati ung pinakilala lang sa amin nung kasama nung brother ng friend ko, na katabi namin sa upper b aspiring commercial model din kasi nagvvtr din siya. all in all, nag enjoy naman ako. sana lang talaga dun kami napunta sa masayang group. ang hirap kasi mag wala sa area namin, magmumukha akong either lukaret or jologs. haha. tsaka mabait ung mga kasama ko, wala ko halos ginastos kasi sinagot nilang lahat. pero sana nakapag prepare ako. wala akong dalang camera ang dami pa namang photo ops. hahaha. nakauwi ako mga 2 am na ata, maaga pa sana un para sa gimik kaso kelangan ko pumunta ng school the next day ng maaga eh.
grabe ang dami ko palang nakitang artista ngayong linggong to! sa school kasi nila shinoo-shoot ung telenovela ni luis and toni. nakakatawa nga kasi may lecture kami ng obstetrics, pero lahat ng tao nakatingin sa labas ng bintana. nung una wala ko care kasi aang alam kong andun ay si sandara and joseph pero nung may nagsabi ni si toni ung nasa labas, nakitingin na rin ako kasi hinahanap ko si sam. un nga lang wala siya
tapos kanina may nagshoshoot na naman sa school pero busy ako buong araw, may deadline ng 5 pm eh, kaya hindi ako masyado naki-usi.
hay midterms na next week... may defense pa sa tuesday. lagot ako ang haba pa naman ng pag aaralan sa obstestrics. tapos ang daming sakit sa pedia. hay good luck sa kin. bukas ko na sisimulan un. matutulog ako ng maaga ngayon. makabawi naman. buong linggo na ko puyat.