July 1st, 2006
sa mundo ng katahimikan
tahimik na naman ang mundo ko. ayaw na talaga gumana ng ipod ko. buti na lang sinustain nya muna ako nung nag OT kami sa lying-in. baka lalo ako nabaliw siguro ako nun. hay. mamimiss ko sya. paano na un pag walang pasyente sa duty? pano ko aaliwin ang sarili ko? pwede naman ako magdala ng libro, pero kasi mas madali itago sa bulsa ang ipod pag dumating ung CI namin. hay. kelangan ko rin ng ipod ngayon more than ever kasi july is not a very nice month for me. basta. eh kelangan ko ung ipod ko kasi invisibility cloak ko to kumbaga. hay naku talaga. lagot pupunta pa naman kami ng tagaytay bukas (ewan ko ba kung bakit pero gustong-gusto ng tita kong nagbbreakfast dun.. sa josephine's ba un?) eh medyo malayong biyahe un di ba? naku wala kong ipod. tinatamad tuloy akong sumama.
dati pag may nakakakita sa kin na nakasuot nung white na earphones, ang tanong kaagad ay kung ilan ang memory. pag sinasagot ko naman, ang susunod na sasabihin nung nagtataong ay "yikes ang laki." oo, nagdudugo na ang tenga ko, hindi pa ko umuulit ng kanta. oo, maglolow batt muna sya bago ko matapos pakinggan lahat ng songs. oo minsan kahit hundreds and hundreds of songs ang meron ako, nagsasawa akong pakinggan sila. eh paki alam nyo ba, kaya ako kumuha ng ipod ay hindi dahil "in" ito. ginastos ko ang kalahati nang na-ipon ko nung ako ay tumambay sa states sa ipod ko kahit fully functional pa rin ung md player ko dahil gusto ko ung thought na dala ko ang buong library ng mga mp3 ko sa bulsa ko. napaka unpredictable ng mga araw natin, hindi natin alam kung anong mga kanta ang gusto nating pakinggan at a certain time. hindi ko pinagsisihan na pagkauwi ko galing states ay feeling dukha ako, hindi ako makalabas ng bahay kasi wala akong pang gastos.
hindi ko alam kung kelan ulit ako magkakaroon ng ganung kalaking pera ulit. malamang pagka-graduate ko pa pero matagal pa un. mahirap humingi kay inay ng pambili ng ipod kasi kuripot un. gusto nga ko awayin nun nung nalaman nya na bumili ako eh. waste of money lang daw un, mabubuhay naman ako ng wala un.
sa bagay tama siya. pero parang mahirap mabuhay ngayon na tahimik na ang mundo ko. or not. kasi mapipilitan na ko ngayong pakinggan ang ingay at gulo ng mundo na inaalisan ko pag pinindot ko na ang play button. hay. baka meron diyang gusto ako regaluhan ng ipod sa birthday ko, don't be shy
hehe
sa ibang bagay naman tayo, pakshet ang sakit ng ipin ko. inalisan kasi ako ng ortho ko nung january, at kanina lang ako nakahanap ng bago. ang tagal noh? busy-busyhan kasi ako. wel medyo tinatamad din asikasuhin, but the point is since 6 months nang ndi nasisikipan ung braces ko, nakalimutan ko na kung gano kasakit ito. pwede rin na kung dati wala ko paki, pagka-adjust, kain kaagad ng hamburger or kahit anong sandwich, hindi ko na iniinda ung sakit. sanay na ko eh. pero ngayon, grabe parang kumikirot pa sya. nag order nga ung tita ko ng dalawang 18 inch na yellow cab pizza, kasi may mga dumating na bisita galing states kaninang umaga, grabe 1 slice lang ang nakain ko. hindi kinaya ng powers ko. kaya sabi ko na lang sa helper namin itago ako ng mga 2-3 slices (haha takaw), baon ko na lang sa duty sa monday. 3-11pm ang sked namin eh. argh. para tipid. may malapit daw na 7-11 sa bagong clinic namin, baka mapagastos ako ng sobra kung wala ako dalang baon. ung friend ko kasi dun ung first duty nila, grabe daw wala daw sila ginawa kung ndi kumain. waaaah.
hindi ko alam kung bakit, pero pag naririnig ko ung boses ni up dharma down vocalist, nakaka-soothe. waaaah maririnig lang kita pag umuwi na ko sa bahay. i crush you!! hehe. Malas mo ikaw ang natipuhan ko. di mo lang alam ako’y iyong nasaktan
haha kung saan-saan na napunta itong entry na to. makalayas na nga. haha.