my first childbirth assist was successful!! at take note, hindi ako nasuka or nandiri or whatever. astig.
well kasi ganito un. the midwife at the lying-in told us that she's supposed to give birth at 2pm. 8:30 na hindi pa sya dumadating. grabe na ito. eh ang hirap talaga kumuha ng case so sabi sa amin mag OT na lang kami, hintayin na lang namin until manganak si mommy preggy (hindi kasi namin alam ung name talaga nung buntis kaya un na lang ang tawag namin hehe). shit wala akong dalang extra underwear, toothbrush, etc. actually lahat kami hindi prepared. so mga 9:00 umalis na ung mga groupmates namin na hindi naka-deck sa delivery room tapos kaming natira ay nagpalit na into scrubs. buti na lang kasi kung pinag-assist ako in my white stockings and skirt, pucha away na to!! haha. so ayun. well may kama namang binigay sa min pero hindi rin kami makatulog kasi iisa lang ung electric fan tapos 4 kami sa kama. may 2 pang bed na extra pero kasi walang fan dun kaya nagtiyaga kaming magsiksikan dun sa bed kung nasaan kami. buti na lang payat sila. hehe. ang ingay nung isang ka-group namin nakaka irita ung boses so para hindi ako ma-bad trip sa mundo, kasi nga di ba, ang init, ang sikip, gusto ko na maligo, inaantok na ko, pagod na ko, tapos dadagdagan pa niya, nag ipod na lang ako. ung isang groupmate ko kanina ang gumagamit ng ipod ko, eh ang pinapakinggan nya pala ay ang buong album ng up dharma down, so ayun na rin ang pinakinggan ko. astig pala sila. matagal ko nang na-upload sa ipod ung songs nila pero hindi ko pa napapakinggan ng isang upuan. astig talaga. relaxing sya. bung gabi, hanggang sa mag labor si mommy preggy ng mga 2:30 am, paulit ulit lang ung album.
so 2:30 nga nag labor si mommy preggy. hindi na ko nagkaroon ng chance na buksan ung hall's honey lemon na nasa bulsa ng scrubs ko kasi nilalagay ko pa ung buhok ko sa ilalim nung cap (kung nanonood ka ng grey's anatomy, ung suot nila sa ulo nila pag nasa OR sila) at inaayos ko pa ung mask ko kasi napakalaki nya,imbes na mula ilong ko pababa lang ang matakpan, pati kalahati ng mata ko nadadamay. so ayun. pagpasok ko since assist lang ako, hindi ako naka gloves. inutusan akong hawakan ung right hand ni mommy preggy, naka dextrose siya kasi, tapos sa sobrang sakit ng tiyan niya, tinataas nya ung kamay nya tapos baka matanggal. kailangan ko rin bantayan ung drip nung IV fluid (ung liquid thingy sa dextrose), kailangan hindi sya tumigil at palitan bago maubos. pinupunasan ko rin ung pawis nya sa buong mukha nya, inaayos ung hair nya pag pumupunta na sa mukha nya kasi ang likot nya at all around utusan pag may kailangan kunin sa labas ng DR. grabe nakakaawa si mommy preggy. tapos ung nanay nya argh gusto ko na palabasain ng DR kasi napaka antipatika. tama ba ung hirap na hirap na ung anak mo sa paglabor, tapos papagalitan mo pa? so anyway, maya maya gamit ang nokia 1110 nya (basta ung may flash light!), binuka ni maam rosie (ung midwife) ung vagina ni mommy preggy tapos pinakita sa min ung ulo ni baby. i know it sounds gross, pero promise na-excite kami nung nakita na namin!
6:00 na. hindi pa rin lumalabas si baby. lagot. pag nag 8 am na, kailangan na siyang itakbo sa hospital at c-section na. nakalimutan ko itanong kung bakit, pero basta ganun un. haha. sigaw na nang sigaw si mommy preggy ng "mommy ang tagal!" at ng "rosie wala pa ba?" at basta simpleng sigaw lang. nakakaawa sya promise. tapos nung mejo lumabas na ung noo ni baby, frantic na si maam rosie. kailangan sunod-sunod na ung pag-ire ni mommy kasi masu-suffocate na ung baby. habang may isa pang midwife na tinutuhod na ung tiyan ni mommy in a downward direction, para matulungan nya na mailabas ung baby. kami namang mga naka duty, hawak ung kamay at paa ni mommy kasi nangangawit na sya, at nagsilbing cheering squad para kay mommy. ayan na nakikita na namin ung noo. bilis mommy!! sigaw na kaming lahat, habang sige pa rin ang pagtuhod sa kanya nung isang midwife. hindi ko alam kung bakit pero naluha ako. 3 times nang ginugupit ni maam rosie ung vagina ni mommy para lakihan ung butas. ouch. parang gusto ko humawak sa sarili kong vagina nung naririnig ko ung pag gupit. hawak ko ung leg ni mommy, mina-massage ko kasi nangangawit na sya, habang nagdasal ako ng angel of god for her and her baby. syempre hindi ko pwede ipakita na naiiyak ako kasi baka kabahan sya or something. lahat kami nagpplead na sa kanya na umire sya. natatakot na ko para kay baby. first case namin to! kelangan lumabas siyang buhay!! go mommy go!!! sigaw na kami ng sigaw. saktong tumungo ako para punasan ung luha ko, biglang napa-sigaw ng "SHIT!!!" nang malakas si maam rosie. lumabas na si baby! pero pag labas nya, ung umbilical cord nya nakapulupot sa leeg nya about 3 times. pucha hindi umiiyak si baby!!! nooo!!!! hinablot ni maam rosie kay malika (ung isang ka-group ko na kasama ko sa loob ng DR) ung pang suction ng ilong ni baby at sinigawan sya na i-massage ung chest at tumulong na isupport ung ulo. si mommy naman, siguro hindi nga nya narinig umiyak ung baby nya, umiiyak na sabay paulit-ulit na pagsabing "sorry baby!!! sorry!!!" pinigil ko ung iyak ko tapos tinulungan si malika na hanapin ung clamp (nataranta na sya,sa dami ng gunting sa tabi ng kama, hindi na nya alam kung ano iaabot nya), at si rica naman ung tissue (ung isa ko pang kasama), ginupit na ang cord ni baby at inilipat na sya sa crib sa ilalim ng drop light para hindi sya malamigan. si mommy sige pa rin sa pag sorry sa baby nya, sa pag iyak nya, hindi nya narinig na umiiyak na finally si baby. yehey. grabe. natapos din. it's a boy! a tisoy boy! happy birthday baby! june 28, 2006 7 am.
habang sila malika at rica ay inaabangan matapos ang pag bleed ni mommy, ako naman ay binuksan ung door at tinawag ung poging-poging daddy ni baby. promise ang pogi nya hehe. ang bango pa. so ayun. nung nakita nya na ok na si baby, pinuntahan nya si mommy. tapos si daddy pinicturan si baby, si mommy, pati kami hehe. yehey kasama kami sa photo album. i hope
nakakatawa nga, nung pagsabi ni daddy na "picturan ko kayo kasama si baby" binaba ko ung mask ko para makatawa ako ng maayos pero ung 2 kasama ko hindi. haha. landi. pero hindi pa rin tumigil si mommy preggy's mommy (na pwede ko na tawaging lola ngayon bwehehehe) sa pagiging antipatika. tama bang sabihin sa apo nya sa harap ni mommy preggy ang words na "uy ang apo kong guwapo, kawawa ka naman pinahirapan ka pa ni mommy mo! ang liit liit mo na nga hindi ka pa nailabas kaagad" grabe talaga nakakainis.
so nung ok na lahat, nag hugas kami ng kamay. tapos nakita ko natalsikan pala ako ng dugo. may mantsa ung scrubs ko. eh ayoko na suotin ung uniform ko kasi ayoko na mag stockings, at wala pa kong tulog, so wala na ko pakialam. nilagyan ko na lang ung stain ng alcohol at umuwing naka scrubs. bumili ako ng longganisa meal sa jollibee (wala lang nagugutom ako eh), umuwi, nagshower, kumain, at natulog. amazing kasi nung nasa loob kami ng DR, lahat kami gising na gising, pero nung pauwi na kami dun namin na-feel ung antok.
ang tagal naming hinintay si baby! pinag report pa rin kami for duty that day, so hindi ako nakatulog ng matagal. pagbalik namin, nakita namin si baby, napaliguan na at medyo ok na ung shape ng head nya (medyo na-deform kasi pinagkasya nya ung sarili nya sa vagina ng mommy nya) worth it ang pagod namin. ang cute cute nya grabe. nung paalis na nga kami, nag bye pa kami sa kanya. wala lang iba lang ung feeling na somehow eh naging part kami ng buhay nya kahit alam ko na kahit magkita kami sa daan or something 10 years from now eh hindi naman namin makikilala ang isa't isa. feeling naming 3 naka-deck sa DR na first baby din namin un. binigay ko ung email add ko kay pogi daddy bago kami umalis sana maalala nyang i-send ung pics. para may remembrance di ba.
last day na rin namin sa lakeside lying-in that day (nagpapalit kasi kami ng clinic and clinical instructor every two weeks). nakakalungkot. kahit nag bantot at ang init sa clinic na un, mami-miss namin un. sabi nung isang ka-group ko na umulit ng NCM 101 (ung subject na dinu-dutihan namin), first duty kasi namin at first case ever kaya ganun. sana nga. hindi naman puwede ung umiiyak ako every time may manganganak at magpapalit kami ng site and CI. at kasi iyaking bata ako kaya ganun. haha.
and lastly, bago ko tapusin ang napaka habang entry na to, gusto ko lang i-share ulit na ang ganda talaga ng songs ng up dharma down. at ung isa ko palang groupmate sa manresa din nag aral, at take note, pareho kami ng yearbook! kasi nung grumaduate ako ng high school, grumaduate naman siya ng grade six. grabe na ito. ganun na ba ko katanda? sa bugay ung isa ko namang friend, classmate ung mga ka-batch ng anak nya, kasi tinatanong siya lagi kung kilala nya ito pag nakita sa name plate ung last name nya. haha. mas malupet un. haha.
hay naku titigilan ko na nga to. may test pa ko sa pediatrics bukas hindi pa ko nag aaral. ayoko na muna manganak. masakit pala. haha labo
Currently listening to: oo - up dharma down