nakakapagod magduty sa health center. lalo na pag makukulit ung mga nanay at nakakalat kung saan ka dapat dadaan. sana kung maliit ang pwet ko at suso. haha.
grabe ang sikip na naman ng uniform ko. pesteng jollibee yan kasi eh, laging nakangiti sa akin pag uwi ko galing school. hindi ko minsan matiis na hindi bumili ng regular fries at pizza melt pie. ang sarap ng combination eh.
pinarurusahan ata ako ng diyos, sinasabi niya sa kin na "please, anak lumabas ka naman ng bahay" ayun sira ang ipod at computer ko. pwede rin kasi dahil sa kapabayaan ko. haha talagang sinisi pa ang diyos noh? joke lang po lord, sa susunod po talaga iingatan ko na ang mga kagamitan ko.
speaking of god, nakapanood ako ng old episode ng joan of arcadia sa etc nung isang araw. ung scene na napanood ko ay ung si joan ay nagmamakaawa kay god for a miracle, na palakarin na ang kanyang kapatid na lumpo na forever. oo nga naman, madali lang iyon para sa kanya, isang snap lang nya ng fingers nya, kaya nya gawin un. si god, na ang kaanyuan ay isang cute na batang nakasalamin na may headband na may feelers na may googly eyes sa dulo (medyo mahirap i-explain sorry), inexplain kay joan na mahirap gawin un kasi syempre halos lahat din ng tao sa mundo, minu-minuto humihingi ng milagro. bawat dasal na kanyang sasagutin, kelangan nya muna isipin ang epekto nito sa iba pang tao na conected sa taong to, even the ones that are not. mahirap nga naman un.however, ayos din ung ginawa nya kasi nung pinag-take niya si joan ng AP chemistry, kahit ayaw obviously ayaw nya gawin un, may natulungan syang bata, at ang tatay ng batang ito, na-touch ata at in turn may natulungan naman iba and so on and so forth. chain reaction kumbaga.napaisip ako na baka kaya hindi pa niya sinasagot ang mga dasal ko kasi madami nga naman ang tao sa mundo at hindi pa siguro dumadaan my way ang "chain reaction". hay pero kasi ang hirap minsan maghintay eh.
so much for joan of arcadia. malapit na pala matapos ang 1 hour ko sa pag rent ng pc na to. napilitan ako maki-internet sa shop na malapit sa school kasi may chismis daw na kumakalat sa internet at nadawit ang maliit kong pangalan (to quote boy abunda hehe). sa susunod ko na lang ikukwento un.
Currently listening to: "don't walk away renee.."
Currently reading: anasi boys - neil gaiman